
ang nanalo sa aking poll sa mga nagdaang araw ay si green apple. pareho ko itong mga paboritong prutas. si green apple ay nagkakahalaga ngayon ng p92-p95 sa bawat apat na piraso. nung mga nakaraang buwan lang ay nasa p76-p80 lang ang presyo nito. ang laki ng inakyat. kung bibilhin niyo naman ng paisa-isa ay nagkakahalaga ito ng p25. medyo may pagkaasim ang green apple. kaya halos lahat ng tao ay mas gusto yung pulang epol. at kasi rin mas madaling hanapin sa palengke ang pulang epol. 'an apple a day keeps the doctor away.' napakasikat ng linyang ito. pero naisip niyo na ba kung aling apple? green apple o yung pulang epol? pagkatapos ng 10-second research ko ay ito ang nakita kong sagot. galing sa
WikiAnswers: "A green apple is healthier, containing 50% more nutrients and nutriento calories, which help pretent against various apple related diseases." oh alam niyo na ha. salamat sa akin at kay pareng wiki. hahaha. ang pangalawang paboritong prutas ko sa ngayon ay si pear. si kumpareng pear ay medyo swak sa budget. on the average p40 ang bawat apat na piraso. kung tatanungin ninyo kung alin ang mas healthy si green apple o si pear ay hindi ko na alam. wala kasing sagot si pareng wiki dito. hahaha. basta sa pagkakaalam ko ay ang pagkain ng prutas ay may mga health benefits. hindi na ito kailangan ng research pa. hehe.