Wednesday, October 22, 2008

pinoy text jokes!

ROD: Bakt bad trip k?

HARRY: Nagtampo sakin ang utol ko.

ROD: Bakt naman?

HARRY: Nakalimutan ko kc ang bday nia.

ROD: Yung lang? anong masama run?

HARRY: Ang masama run.. twins kami! twins!

. . . . . . . . . .

Usapan ng dalawang mayabang..

TOMAS: Ang galing ng aso ko! tuwing umaga, dala nia ang dyaryo sakin.

DIEGO: alam ko.

TOMAS: ha? paano mo nalaman?

DIEGO: ikinukwento sa akin ng aso ko.

. . . . . . . . . .

Anong dapat mong sabihin kung biglang tumulo ang laway mo habang natutulog sa jeep?

"ano ba yan! ang init naman sa jeep! pati bunganga ko pinapawisan!" hahaha.

. . . . . . . . . . 

kapag may magtatanong:

"ba't mo minamahal yung taong ayaw sau, madami namang iba dyan.."

sagutin mo:

"kapag nauhaw ka, iinumin mo ba ang dagat dahil tubig din naman ito?"

yes! malupit ung point! haha.

. . . . . . . . . . 

"handa akong ibigay ang init ng katawan na ninanais mo at sisiguraduhin ko na hindi ka makakatulog.."

-kape. nkpka.landeeeeng kape! haha!

Thursday, October 16, 2008

batang-bata ka pa!


batang-bata pa. pero ang galing-galing na ni sungha jung mag-gitara. marami-rami din siyang ginitara na mga sikat na kanta. halos mga kanta ng beatles. swak talaga sa tenga. may mga sarili din siyang komposisyon. kaya bigatin talaga tong bata na to. panoorin lahat ng videos niya sa youtube at ika'y maaaliw talaga. all you need is love!

limewire vs. frostwire!

   

naghanap ako ng alternatibo sa limewire.  at ang pinakamagandang alternatibo daw ay ang frostwire. ayon sa mga reviews na nabasa ko. mas mabilis daw. tinesting ko. totoo nga! kumakain daw ng memory lesser than limewire. napansin ko rin! pero mas marami daw search results sa limewire. pero wala na! di na ako gagamit ng limewire. hahaha. walang pinagkaiba masyado sa interface ng dalawa. at ang frostwire ay completely free! subukan niyo rin! download na sa www.frostwire.com.    

Sunday, October 12, 2008

unang bili ko online!


bigla akong nagkahilig sa libro ng pinahiram ako ng kaibigan ko ng libro ni Bob Ong 'Alamat Ng Gubat.' pagbukas ko pa lang. sa bandang kaliwa. nakasulat 'This book belongs to __________ (bawal manghiram...bumili ka ng sarili mong kopya!)'. hahaha. ayos di ba? tinapos ko lang ng ilang minuto. naaliw ako sobra kaya gusto ko magkaroon ng iba pang libro ni Bob Ong. walang matinong bookstore dito sa lugar namin. buti na lang may online store ang Power Books tsaka National Bookstore. sa Power Books ako nakabili kasi meron sila nung mga libro na hinahanap ko. mabilis lang ang transaction. pwede nang hindi mag-register. pagkatapos maaprub ang aking order ay natanggap ko na ang mga libro sa loob lamang ng dalawang araw. super sulit yung shipping fee! sa wakas kumpleto na mga libro ko ni Bob Ong:

  1. ABNKKBSNPLKo!
  2. Bakit Baligtad Magbasa ng Libro Ang Mga Pilipino?
  3. Ang Paboritong Libro ni Hudas
  4. Alamat ng Gubat
  5. Stainless Longganisa
  6. MacArthur 

nakasulat sa tagalog ang mga libro kaya madaling intindihin. ayoko ng mga libro na nakasulat sa ingles kasi hindi ko naman masyadong kabisado ang linggwaheng ito. hahaha. inaabangan ko na ang susunod niyang libro. kung meron man siyang sinusulat. hahaha.

Friday, October 3, 2008

ay bilib!


kung sino ka man. kaw ang pinakamagaling na nagitara ng soundtrack ng napakasikat na korean mubing my sassy girl na nakita ko sa youtube. nakakaantok nga lang. hehe. pero ayos pa rin. penge naman tabs jan pre!

Thursday, October 2, 2008

guitar ebooks!

  • download          The Frank Zappa Guitar Book     
  • download          Joe Satriani - Guitar Secrets       
  • download          How To Write Songs On Guitar  
  • download          Essential Blues Guitar                   
  • download          Peter Fischer - Rock Guitar Secrets                
  • download          Play Acoustic With Eric Clapton             
  • download          Chords And Scales For Guitar
  • download          Acoustic Blues Guitar Style
  • download          Blues Guitar For Dummies
  • download          Gear Secrets Of the Guitar Legends