Sunday, October 12, 2008

unang bili ko online!


bigla akong nagkahilig sa libro ng pinahiram ako ng kaibigan ko ng libro ni Bob Ong 'Alamat Ng Gubat.' pagbukas ko pa lang. sa bandang kaliwa. nakasulat 'This book belongs to __________ (bawal manghiram...bumili ka ng sarili mong kopya!)'. hahaha. ayos di ba? tinapos ko lang ng ilang minuto. naaliw ako sobra kaya gusto ko magkaroon ng iba pang libro ni Bob Ong. walang matinong bookstore dito sa lugar namin. buti na lang may online store ang Power Books tsaka National Bookstore. sa Power Books ako nakabili kasi meron sila nung mga libro na hinahanap ko. mabilis lang ang transaction. pwede nang hindi mag-register. pagkatapos maaprub ang aking order ay natanggap ko na ang mga libro sa loob lamang ng dalawang araw. super sulit yung shipping fee! sa wakas kumpleto na mga libro ko ni Bob Ong:

  1. ABNKKBSNPLKo!
  2. Bakit Baligtad Magbasa ng Libro Ang Mga Pilipino?
  3. Ang Paboritong Libro ni Hudas
  4. Alamat ng Gubat
  5. Stainless Longganisa
  6. MacArthur 

nakasulat sa tagalog ang mga libro kaya madaling intindihin. ayoko ng mga libro na nakasulat sa ingles kasi hindi ko naman masyadong kabisado ang linggwaheng ito. hahaha. inaabangan ko na ang susunod niyang libro. kung meron man siyang sinusulat. hahaha.

3 comments:

Anonymous said...

adik ka din pala kay bob ong.! ahahahha

punky said...

di naman masyado! hehehe.

RJ said...

Paano naman ang mga blog posts na nakasulat sa English?! Hahaha! (,"o