- isang mumurahing bisikleta lang sa unang tingin. mura lang naman talaga pagbili ko nito nung una. pero kung titignan nang maigi ay iba na yung mga parte ng aking bisikleta. kasi pinalitan ko ng hindi-made-in-china-parts. hahaha. ang pedal na lang at front derailleur ang made-in-china dito. kung magkakapera ako balang araw ay papalitan ko din sila. ito na ngayon ang specs ng aking bike: red steel frame, ZOOM stem, black alloy handlebar with crossbar, GT handle grip, SHIMANO 7-speed rapidfire shifter with brake levers, MIRANDA alloy seat post (pinahiram ng kaibigan ko haha), GTS VK207 brakes, alloy water cage, SHIMANO crankset, SHIMANO TOURNEY rear derailleur, SHIMANO 7-speed sprocket, SHIMANO DEORE quick release tire hubs, stainless steel spokes, double-wall rims at ang napaka-komportable kong saddle. ipinakikilala ko sa inyo si SHIMANOY! bmx / mini mountain bike. hahaha.
Friday, December 5, 2008
ang bisikleta kong si shimanoy!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
2 comments:
Astig! Buti ka pa marunong kumalikot ng bisikleta. Yung akin nga na-flat na eh hindi ko pa napansin.
haha! maraming beses na rin akong na-flat!
Post a Comment