nasubukan ko na dati ang paggamit ng adobe photoshop. hanggang ngayon. beginner level pa rin. pero gusto kong maging bihasa dito. nakakaaliw naman kasi ang pag-edit ng mga larawan. ito ang mga ilang gawa ko..
medyo matagal ang pag-edit ko dito dahil sa buhok. hehe. ang laki ng katawan ko noh? hindi akin yan. kay jerry yan a.k.a dao ming si yan ng meteor garden. eksena yan kung saan sinabihan nya si shan cai ng 'bibili muna ako ng makakain ha'. yan ang tagalog version ng chinese na nasa baba. hehe.
matagal-tagal ko na ring nagawa to. ito ata ang pinakauna kong nagawa sa adobe photoshop. kung napanood niyo at maaalala niyo yung commercial ng rexona ay ito yun. mukha ko lang ang inilagay ko. hehe. ito ang pinakabago kong nagawa sa adobe photoshop. hideously ugly version of me. haha.
wag kayong mamangha sa mga gawa ko. napakasimpleh lang gawin yan lahat. kahit kayo kaya ninyo. subukan niyo. hindi na ata ako aangat sa pagiging beginner haha. ngayon. hindi na adobe photoshop ang ginagamit ko. medyo malaki kasi kinakain na memory, hard disk space at hindi pa free. pero walang problema kung free ba yun o hindi kasi makakadownload naman tayo ng mga pirated version sa world wide web diba? hahaha. GIMPshop na ginagamit ko. isa sa mga best alternatives ng adobe photoshop.
enjoy sa pag-edit! =D
