kita nyo yan? isang liham galing sa google adsense. naglalaman ng napakaimportanteng personal identipikasyon numero o PIN para ma-enable yung payment sa aking account. pero wala ng kwenta. wala na talaga. na-disable na kasi account ko sa google adsense. bakit? paano? na-click ko kasi mga ads nila sa site ko na di sinasadya. minsan nama'y sinasadya. hahaha. ayun na-ban ang kawawang bata. sayang talaga. $10.xx na yung pera ko sana. tsk tsk.
Thursday, January 29, 2009
Saturday, January 24, 2009
60 voices..
nakakaaliw. talentado talaga tong pinoy na to. ngayon ko lang nadiskubre hehe. panoorin.
Sunday, January 18, 2009
Saturday, January 17, 2009
edited..
nasubukan ko na dati ang paggamit ng adobe photoshop. hanggang ngayon. beginner level pa rin. pero gusto kong maging bihasa dito. nakakaaliw naman kasi ang pag-edit ng mga larawan. ito ang mga ilang gawa ko..
medyo matagal ang pag-edit ko dito dahil sa buhok. hehe. ang laki ng katawan ko noh? hindi akin yan. kay jerry yan a.k.a dao ming si yan ng meteor garden. eksena yan kung saan sinabihan nya si shan cai ng 'bibili muna ako ng makakain ha'. yan ang tagalog version ng chinese na nasa baba. hehe.
matagal-tagal ko na ring nagawa to. ito ata ang pinakauna kong nagawa sa adobe photoshop. kung napanood niyo at maaalala niyo yung commercial ng rexona ay ito yun. mukha ko lang ang inilagay ko. hehe.
ito ang pinakabago kong nagawa sa adobe photoshop. hideously ugly version of me. haha.
wag kayong mamangha sa mga gawa ko. napakasimpleh lang gawin yan lahat. kahit kayo kaya ninyo. subukan niyo. hindi na ata ako aangat sa pagiging beginner haha. ngayon. hindi na adobe photoshop ang ginagamit ko. medyo malaki kasi kinakain na memory, hard disk space at hindi pa free. pero walang problema kung free ba yun o hindi kasi makakadownload naman tayo ng mga pirated version sa world wide web diba? hahaha. GIMPshop na ginagamit ko. isa sa mga best alternatives ng adobe photoshop.
enjoy sa pag-edit! =D
Thursday, January 15, 2009
gusto kong maging senador ng pilipinas..
GUSTO KONG MAGING SENADOR NG PILIPINAS!
( hehe biro lang )
ui sino yang kolokoy na yan? hahaha.. wala lang.. mukha bang kriminal? hahaha..
1 new mail.. forwarded email.. GUSTO KONG MAGING SENADOR NG PILIPINAS.. ui interesting yung subject.. mabasa nga.. huwaw! kaya pala..
share ko sa inyo ang buong laman ng email na natanggap ko..
* * *
Miriam Defensor Santiago was featured in Correspondents: ANG SARAP MAGING SENADOR (April 24, 2007 episode).
Maganda rin naman ang naidudulot ng pagiging prangka ni Senador Miriam Defensor-Santiago. Ayon kay Santiago, marami ang tumatakbong Senador dahil sa laki ng budget na ibinibigay sa kanila kada buwan.
Lumalabas na P35,000 suweldo nila kada buwan ay pakitang-tao lang sa milyun-milyong budget ng bawat senador. Kada buwan ay may Fixed Monthly Budget ang bawat Senador ng humigit-kumulang P2 Milyon.
Sa opisina pa lang nila ay humigit-kumulang P500,000 ang budget nila sa Maintenance and Operating Expenses (Rental, Utilities, Supplies at Domestic Travels) at P500,000 para sa Staff at Personal expenses. Kaya para makatipid ang ibang Senador, kaunti lang ang staff na kinukuha nila. Nagtataka ka pa kung bakit mayroong mga Ghost Employee?
Bukod diyan, may P760,000 allowance pa sila kada buwan para naman sa Foreign Travel. At ang masakit pa nito, hindi na kailngan i-liquidate ang mga resibo ng mga gastusin 'yan kundi Certification lang ang Requirement.
Heto pa, lahat sila ay Chairman ng mg Komite sa Senado. Ang Committee Chairman ay tumatanggap din ng budget na sinlaki ng tinatanggap ng mga Senador na humigit-kumulang P1 Milyon din! Hindi sila mawawalan ng Komite dahil 24 lang ang ating mga Senador at 37 naman ang Committee sa Senado. There's food for everybody 'ika nga! Lumalabas na doble ang kanilang benepesiyo at kita kapag sila ay nabiyayaan ng Committee Chairmanship.
Sa P200 milyon na Budget para sa Pork Barrel ng mga Senador bawat taon, awtomatikong may 10% na S.O.P. o kita ng Senador na P20 milyon. Ito ang porsiyento na ibinibigay ng mga kontratista sa mga Senador na nagbibigay sa kanila ng mga Infrastructure at Livelihood Project.
Bago matapos ang termino ng isang Senador, kumita na siya ng P100 milyon sa Pork Barrel pa lang. Yung ibang Senador mas gahaman, hindi lang 10% kundi 20 - 30% ang komisyon hinihingi sa mga kontratista.
Pansinin niyo na lang ang pagbabago ng buhay ng ilan sa ating mga Senador simula nang manungkulan sa puwesto. Kung dati ay simple lang ang kanilang pamumuhay ngayon ay nakatira na sila sa mga eksklusibong subdivision, maraming bahay sa Pilipinas at abroad at mahigit lima ang sasakyan.
Ngayon nagtataka ka pa ba kung bakit gumagastos ng daan-daang milyong piso ang mga Senador sa kampanya para sa isang posisyon na P35,000 lang ang suweldo kada buwan? Bawing-bawi pala ang gastos kapag naupo na!
ANG SARAP MAGING SENADOR! ! !
* * *
mapapanood ninyo ang ilang excerpts ng show na Correspondents: Ang Sarap Maging Senador sa mga sumusunod na links..
Correspondents: Ang Sarap Maging Senador - Excerpt 1
Correspondents: Ang Sarap Maging Senador - Excerpt 2
Correspondents: Ang Sarap Maging Senador - Excerpt 3
Tuesday, January 13, 2009
sana..
narinig niyo na ba ang kantang sana ng bandang kenyo? paano kaya kung magkatotoo yung mga ilang linya sa kanta?..
sana'y iisa ang kulay
sana ay wala ng away
kung iisa lang ang kulay nating lahat. anong gugustuhin ninyo? puti? kayumanggi? maitim? o dilaw? ako? kahit ano basta makulay ang buhay. nyahaha. kung wala ng away eh wala na tayong papanooring bakbakan nina manny pacquiao at ricky hatton o sinumang makakalaban niya ngayong taon? bad trip naman! haha.
sana'y laging magbigayan
kung lahat ng tao ay nagbibigayan eh parang wala din tayong natatanggap? kasi yung natatanggap natin ay binibigay rin natin eh. di ba? bigay mo. tanggap ko. bigay ko. tanggap niya. bigay niya. tanggap niya. hahaha ano ba!
sana ang tao'y hindi nagugutom o nauuhaw
sana'y hindi na gumagabi o umaaraw
wala na sigurong mga palengke at grocery stores. wala na ring mga magsasaka at mangigisda. wala na ring mga pabrika ng iba't ibang pagkain. ang polusyon ay mababawasan talaga. oks na oks ito ah. siguro load na lang ang binebenta ng mga sari-sari store. hehe. pero parang may kulang. napansin niyo? dapat mga hayop rin ay di nagugutom. para di tayo makain ng mga mababangis na hayop. hehe. at para di na rin tayo gagasto ng pampakain ng mga alagang hayop natin. hehe. kung hindi na gagabi o aaraw? ewan. wala ng buwan. wala ng araw. wala na ring kalendaryo. walang petsa. so walang birthdays?! walang parties?! ai oo nga pala. di na rin pala tayo nagugutom o nauuhaw kaya okey lang na walang parties. hahaha.
ewan ko nalang kung ano magiging itsura ng mundo kung magkatotoo nga ang mga sana sa kanta. maayos o magulo kaya? di ko lubusang maisip talaga. sana masaya tayo palagi! yun nalang. hehe. gaano kasaya?! ganito kasaya! hahaha.
Tuesday, January 6, 2009
please check out my other site!
maliban po sa shimanoy! eh may bago po akong dalawang sites..
ride on! ito po ay tungkol lahat sa mga bikes. bmx bikes. mountain bikes. basta puro kwentong bisikleta. kung mahilig kayo sa bikes ay tamang-tama ito para sa inyo. kung wala pa kayong alam sa mga bikes at may planong gawing hobby ito ay oks na oks ang site na to para sa inyo.
wag na kayong mahiya..
bisitahin na ninyo..
tuloy po kayo..
maraming salamat po..
BOW.
Monday, January 5, 2009
suitor vs. boyfriend
ang mababasa niyo ay base sa tunay na pangyayari..
kwento ng isang kaibigan ko..
pero hindi siya isa sa mga gumanap dito.. hehe..
eto na..
tentenenen..
manliligaw boy: mahal ko siya higit pa sa kahit ano at kahit sino pa dito sa mundo. mahal ko siya higit pa sa buhay ko. hindi ko siya paiiyakin magpakailan pa man. mahal na mahal ko siya na kaya kong magpakamatay para sa kanya. mamahalin ko siya habambuhay.
kasintahan boy: mahal ko siya.
manliligaw boy: ano? yun lang?!
kasintahan boy: at..
..mahal niya ako.
TAOB! hahaha. pagkahaba-haba nga naman ng mga sinabi ni manliligaw boy eh talo pa rin siya. hahaha. nice reply kasintahan boy! yor da mehn!
Friday, January 2, 2009
tip to reduce your weight..
kadalasan sa mga napapansin kong mga new year's resolution ng mga tao ay mag-eehersisyo na daw sila. gusto nila maging payat na. ang iba naman ay gusto magbawas ng timbang. kaya ngayon. ibabahagi ko sa inyo ang isang maganda at napaka-epektibong tip para magbawas ng timbang. ang kaibigan ko ang nagbigay ng advice na to. pero hindi ko pa nasusubukan. at wala rin akong planong subukan kasi enjoy na ako sa pagbibisikleta kasama si shimanoy. hahaha. ito na ang nakaugalian kong ehersisyo tuwing umaga. kaya ito na hinihintay niyo..
FIRST TURN YOUR HEAD TO THE RIGHT
AND THEN TURN IT LEFT.
napakasimple lang di ba? hindi kayo pagpapawisan. di pa kayo mapapagod. keep repeating the exercise every time may mag-ooffer sa inyo ng pagkain.
so alam ninyo na ngayon ang pangunahing dahilan kung bakit ayaw ko subukan. haha.