Showing posts with label fishing. Show all posts
Showing posts with label fishing. Show all posts

Wednesday, February 11, 2009

hulog sa bitag!

kahapon ay bumalik kami sa pond para muling subukan ang aming kapalaran sa pamimingwit ng isda sa ikatlong pagkakataon. nagdala kami ng nylon, mas maliit na hook kesa dati at yung pain pa rin namin ay yung maliliit na shrimps. pagdating doon ay sinimulan na namin ang pagkabit ng hook sa nylon. at pagkabit ng nylon sa sanga. tatlo kami. kaya tatlo ang ginawa naming pamingwit para more chances of winning ikanga. hahaha. isipin nating may dalawamput limang isda lang ang lumalangoy sa pond na yun. at iisa lang ang aming pamingwit. so 1/25 = 0.04. so 4% lang ang probability na makahuli kami. ikumpara natin sa tatlong pamingwit. so 3/25 = 0.12. so 12% ang chance namin na may mauto kaming isda. hahaha. sasabihin ninyo 'bakit di nalang kayo gumawa ng dalawamput limang pamingwit para siguradong may mahuli kayo?' una. nakakatamad. dalawa. kukulangin na kami sa nylon, hook at pain. tatlo. baka abutan na kami ng gabi sa paghanap na mahabang sanga. apat. excited na kami sobra makapwesto at mamingwit. lima. hindi naman talaga 100% sigurado na makahuli kasi nga ang laki ng pond. hindi natin 100% alam kung saan talaga ang lokasyon ng mga isda. at hindi rin natin 100% alam kung titirahin nila yung mga pain baka kasi busog rin sila. haha. basta ang daming factors. kailangan ko pang mag-review. basic statistics lang ang gusto kong ipakita. more chances of winning ikanga. nagsalita ang unemployed statistician. hahaha.

okey heto na! nakahuli na rin kami sa wakas! ang unang klaseng isda na nahuli namin. hito ata ito. di namin masyado alam. mga tatlong pulgada lamang ang liit nito. ako ang unang nakahuli sa amin kasi ako ang unang nakapaghanda ng pamingwit. hahaha. pero sa buong hapon ay isa lang ang nahuli ko. nakatatlo o apat na mga kaibigan ko. hahaha. pero okey lang. masaya pa rin. ang ikalawang klaseng isda na nahuli ng isang kaibigan ko ay isang maliit na tilapia. ayun sapol sa hook. haha.  



masayang masaya kami kasi may nauto na kaming mga isda sa wakas. hahaha. nakakaaliw talaga ang pangingisda!

Monday, February 9, 2009

nagpakain lang sa mga isda..

bumalik kami ni hardwaremaster dun sa pond nung linggo kasama ang isa pa naming kaibigan na absent nung una. siya ang nakapagbigay liwanag sa amin kung paano gamitin yung fishing rod. wala rin siyang karanasan sa paggamit ng ganung klaseng bagay pero siya yung nakabigay ng tamang paraan kung paano gamitin ang bagay na yun. chamba? siguro? pero sa tingin ko common sense lang talaga kailangan dun. haha. wala. mga utak manok lang kami ni hardwaremaster nung una hahaha. ayun okei na ang setup. yung dinala kong mga pain ay maliliit na shrimps na talaga. haha putek na talaga kung wala pa kaming mahuli dito. may mga bata at ilang manong ang nanood habang hinahanda namin yun. nakakahiya kasi parang tingin nila sa amin ay mga eksperto na sa larangan ng pangingisda at pamimingwit hahaha. manghang-mangha sila sa aming gamit na pamingwit. haha.

ilang minuto pa lang ang nakalipas ay nagrereklamo na kami sa tagal ng mga isdang lumapit sa aming bitag. panay pa sabi ko ng 'patience talaga kelangan pag namimingwit.' hahaha ang nagsalita. palagi akong lumilipat ng puwesto. mister patience nga naman talaga. hahaha. ayun. hanggang umabot na kami sa puwesto katabi ng mamang namimingwit rin. grabe ang dami na niyang nahuli! maliliit at may katamtaman din ang laki ng mga isdang nakuha niya. sabi niya may mga malalaki daw dun sa bandang malalim. mga tilapia, hito at iba pang isda. binebenta daw niya ang kanyang mga nahuhuli at ang iba ay ginagawang ulam. ayun. napansin rin niya na malaki yung hook na gamit namin at mga maliliit lang na isda ang nasa bandang mababaw. natawa si manong. haha. ngayon lang din namin napansin. haha mga utak manok talaga. hahaha. kaya isang dahilan rin yun kung bakit di kami nakakahuli. di pa rin kami nawalan ng pag-asa. ilang minuto ay may mga lumalapit na na mga tatlong pulgadang laki na mga isda. kaso. tinitirahan lang nila yung pain sa gilid. halatang enjoy na enjoy sila. busog na busog sa free meals. hindi talaga naming makuha sila na makabit sa hook. sayang. ibibigay din sana namin kung may mahuli kami kay manong. pero di pa rin kami nawawalan ng pag-asa. babalik pa rin kami sa susunod. mister patience nga talaga naman hahaha.