Saturday, December 27, 2008

green apple vs. pear

ang nanalo sa aking poll sa mga nagdaang araw ay si green apple. pareho ko itong mga paboritong prutas. si green apple ay nagkakahalaga ngayon ng p92-p95 sa bawat apat na piraso. nung mga nakaraang buwan lang ay nasa p76-p80 lang ang presyo nito. ang laki ng inakyat. kung bibilhin niyo naman ng paisa-isa ay nagkakahalaga ito ng p25. medyo may pagkaasim ang green apple. kaya halos lahat ng tao ay mas gusto yung pulang epol. at kasi rin mas madaling hanapin sa palengke ang pulang epol. 'an apple a day keeps the doctor away.' napakasikat ng linyang ito. pero naisip niyo na ba kung aling apple? green apple o yung pulang epol? pagkatapos ng 10-second research ko ay ito ang nakita kong sagot. galing sa WikiAnswers: "A green apple is healthier, containing 50% more nutrients and nutriento calories, which help pretent against various apple related diseases." oh alam niyo na ha. salamat sa akin at kay pareng wiki. hahaha. ang pangalawang paboritong prutas ko sa ngayon ay si pear. si kumpareng pear ay medyo swak sa budget. on the average p40 ang bawat apat na piraso. kung tatanungin ninyo kung alin ang mas healthy si green apple o si pear ay hindi ko na alam. wala kasing sagot si pareng wiki dito. hahaha. basta sa pagkakaalam ko ay ang pagkain ng prutas ay may mga health benefits. hindi na ito kailangan ng research pa. hehe.

8 comments:

Kosa said...

tama ka parekoy!
ang pagkain ng prutas eh walang dudang Healthy... tulad nga ng kasabihan, AN EPAL este..EPOL A DEY, KIP DA DOKTOR AWEY... di ba, di ba, di ba?

pero alam mo ba na ang buto ng epol eh hindi magandang kinakain.. magdadala ito ng hindi magandang result sa .. itanung mo nalang kay pareng gugel kung anu yung mga yun.. dadaiigin ko na tong post mo kung ipapaliwanag ko pa..lols

haroo haroo pareko!

JAJA NOBLE said...

hmm..buti nlng nanalo ang green apple..heheheh..tnx s pg-follow..add n nga kta agd e..pti s blogroll ko..hapi new year!..muwahh!

Liv Burgos said...

Sayang, ako, pear. :) Anyways, thanks for leaving messages on my blogs. You're doing mighty fine with yours, believe me, entertaining. :) Happy New Year!

escape said...

hindi ko to alam ah. kaya pala bihira ang green sa mga mall. dami pa kasing hindi nakakaalam nito.

Unknown said...

pareho kong paborito yan eh!
haha!

'api new yr!
ingatsa sa paputok tsong! :]

Yas Jayson said...

paano mo ko nahanap?!!
tsk.

[yas]

RJ said...

Mas kapansin-pansin para sa akin ang PRESYO ng apple ngayon sa Pilipinas! Whew! PhP25 na pala ang isang piraso?!?!?!

Happy New Year Bert Loi! o",)

Anonymous said...

hey there bertloi! tnx for leaving a comment in my blog. happy new year! mwah!