GUSTO KONG MAGING SENADOR NG PILIPINAS!
( hehe biro lang )
ui sino yang kolokoy na yan? hahaha.. wala lang.. mukha bang kriminal? hahaha..
1 new mail.. forwarded email.. GUSTO KONG MAGING SENADOR NG PILIPINAS.. ui interesting yung subject.. mabasa nga.. huwaw! kaya pala..
share ko sa inyo ang buong laman ng email na natanggap ko..
* * *
Miriam Defensor Santiago was featured in Correspondents: ANG SARAP MAGING SENADOR (April 24, 2007 episode).
Maganda rin naman ang naidudulot ng pagiging prangka ni Senador Miriam Defensor-Santiago. Ayon kay Santiago, marami ang tumatakbong Senador dahil sa laki ng budget na ibinibigay sa kanila kada buwan.
Lumalabas na P35,000 suweldo nila kada buwan ay pakitang-tao lang sa milyun-milyong budget ng bawat senador. Kada buwan ay may Fixed Monthly Budget ang bawat Senador ng humigit-kumulang P2 Milyon.
Sa opisina pa lang nila ay humigit-kumulang P500,000 ang budget nila sa Maintenance and Operating Expenses (Rental, Utilities, Supplies at Domestic Travels) at P500,000 para sa Staff at Personal expenses. Kaya para makatipid ang ibang Senador, kaunti lang ang staff na kinukuha nila. Nagtataka ka pa kung bakit mayroong mga Ghost Employee?
Bukod diyan, may P760,000 allowance pa sila kada buwan para naman sa Foreign Travel. At ang masakit pa nito, hindi na kailngan i-liquidate ang mga resibo ng mga gastusin 'yan kundi Certification lang ang Requirement.
Heto pa, lahat sila ay Chairman ng mg Komite sa Senado. Ang Committee Chairman ay tumatanggap din ng budget na sinlaki ng tinatanggap ng mga Senador na humigit-kumulang P1 Milyon din! Hindi sila mawawalan ng Komite dahil 24 lang ang ating mga Senador at 37 naman ang Committee sa Senado. There's food for everybody 'ika nga! Lumalabas na doble ang kanilang benepesiyo at kita kapag sila ay nabiyayaan ng Committee Chairmanship.
Sa P200 milyon na Budget para sa Pork Barrel ng mga Senador bawat taon, awtomatikong may 10% na S.O.P. o kita ng Senador na P20 milyon. Ito ang porsiyento na ibinibigay ng mga kontratista sa mga Senador na nagbibigay sa kanila ng mga Infrastructure at Livelihood Project.
Bago matapos ang termino ng isang Senador, kumita na siya ng P100 milyon sa Pork Barrel pa lang. Yung ibang Senador mas gahaman, hindi lang 10% kundi 20 - 30% ang komisyon hinihingi sa mga kontratista.
Pansinin niyo na lang ang pagbabago ng buhay ng ilan sa ating mga Senador simula nang manungkulan sa puwesto. Kung dati ay simple lang ang kanilang pamumuhay ngayon ay nakatira na sila sa mga eksklusibong subdivision, maraming bahay sa Pilipinas at abroad at mahigit lima ang sasakyan.
Ngayon nagtataka ka pa ba kung bakit gumagastos ng daan-daang milyong piso ang mga Senador sa kampanya para sa isang posisyon na P35,000 lang ang suweldo kada buwan? Bawing-bawi pala ang gastos kapag naupo na!
ANG SARAP MAGING SENADOR! ! !
* * *
mapapanood ninyo ang ilang excerpts ng show na Correspondents: Ang Sarap Maging Senador sa mga sumusunod na links..
Correspondents: Ang Sarap Maging Senador - Excerpt 1
Correspondents: Ang Sarap Maging Senador - Excerpt 2
Correspondents: Ang Sarap Maging Senador - Excerpt 3
9 comments:
Ganun ba?!?!
Ako, ayaw kong maging senador! Mahina rin kasi ako sa leadership.
Good luck sa pangarap mo Bert Loi!
kng pera lng..ok na! kaso you have to do your job. Sad to say madaming hndi..
so dyan pala pumupunta ang mga buwis na binabayaran ng ating mga mamamayang pilipino?? (shit ang lalim!) pero sa totoo lang nakakaasar to ah. ang kakapal ng mukha nila,,!! bakit hanggang ngayon, di ko naman makita ang mga improvement ng pilipinas.. kung meron man, mga bagong daan na feeling nila sila ang nag patayo eh sa kaban ng bayan naman nila yun kinukuha?? mga baboy sila!!! grrrrrr!!!! ikaw na lang kaya ang tumakbo? panigurado uunlad ang pilipinas..!! wahahah!! ayus pic natin tol ah! parang adik lang!! ^^ peace!!
ay bastos silang lahat mga puke sila.. senador o senadora lahat sila may puke... :D :D :D pag ako naging presidente.... pero jowk lang yon :D
hmmmm dati akong media relations officer ng isang senador kaya medyo alam ko rin ang kalakaran dyan...
teka yung picture, pang senador nga, parang natutulog lang hehehe
PEACE!
I think so. Ano ba naman yung investment nilang 5-10million feysus pag election time? Bawing-bawi yan sa haba ng terms nila! yay! hehe Ang konti nalnag kasi ng model government employee...
aha! ganun pala un... tsk..
Ngek, di pala dapat pagba-blog ang pinasok ko. Maybe there's time to reinvent myself. Hahaha. Nag ambisyon pa. :) Nice read!
Well, I'm just hope for a clean and safe election this 2010. And who ever wins as the race for presidency/senatorial, I wish he/she can change our country from its current state. Anyway, I've been looking for topics as interesting as this. Looking forward to your next post.
-pia-
Post a Comment