Tuesday, January 13, 2009

sana..

narinig niyo na ba ang kantang sana ng bandang kenyo? paano kaya kung magkatotoo yung mga ilang linya sa kanta?..

sana'y iisa ang kulay
sana ay wala ng away

kung iisa lang ang kulay nating lahat. anong gugustuhin ninyo? puti? kayumanggi? maitim? o dilaw? ako? kahit ano basta makulay ang buhay. nyahaha. kung wala ng away eh wala na tayong papanooring bakbakan nina manny pacquiao at ricky hatton o sinumang makakalaban niya ngayong taon? bad trip naman! haha.

sana'y laging magbigayan 

kung lahat ng tao ay nagbibigayan eh parang wala din tayong natatanggap? kasi yung natatanggap natin ay binibigay rin natin eh. di ba? bigay mo. tanggap ko. bigay ko. tanggap niya. bigay niya. tanggap niya. hahaha ano ba! 

sana ang tao'y hindi nagugutom o nauuhaw
sana'y hindi na gumagabi o umaaraw

wala na sigurong mga palengke at grocery stores. wala na ring mga magsasaka at mangigisda. wala na ring mga pabrika ng iba't ibang pagkain. ang polusyon ay mababawasan talaga. oks na oks ito ah. siguro load na lang ang binebenta ng mga sari-sari store. hehe. pero parang may kulang. napansin niyo? dapat mga hayop rin ay di nagugutom. para di tayo makain ng mga mababangis na hayop. hehe. at para di na rin tayo gagasto ng pampakain ng mga alagang hayop natin. hehe.  kung hindi na gagabi o aaraw? ewan. wala ng buwan. wala ng araw. wala na ring kalendaryo. walang petsa. so walang birthdays?! walang parties?! ai oo nga pala. di na rin pala tayo nagugutom o nauuhaw kaya okey lang na walang parties. hahaha. 

ewan ko nalang kung ano magiging itsura ng mundo kung magkatotoo nga ang mga sana sa kanta. maayos o magulo kaya? di ko lubusang maisip talaga. sana masaya tayo palagi! yun nalang. hehe. gaano kasaya?!  ganito kasaya! hahaha.

14 comments:

JAJA NOBLE said...

wow..medio peaceful ang iyong topic..y not nga nmn..ako nga rn no.1 nbbwict s mga kaguluhan ng terorism..eun..e2 lng tanong ko..kung iisa nlng ang kulay ntng lht..anungkulay ang gus2 mo?nyahahahahah..

Anonymous said...

parang ganito yan e... ung kinanta ni Jolens...

sana pagibig nalang ang isipin, ng bawat isa sa mundo...

kapag nangyari un e di lalong dadami ang populasyon ng mga tao sa mundo... e kung puro pagibig... dba may kasabihang make love not war??? e di puro make love nalang tayong lahat???

talaga naman ang mga lyricist, hindi pinagiisipan ang lyrics... tsk tsk tsk... it's sending wrong messages :D

salamat sa pagdaan pala sa blag ko! :D

Anonymous said...

unang beses napadaan mag comment na rin...

walangya ang kulet. tama ka mali ang premis ng kantang SANA. magugulo nga kung lahat ng sana niya eh magkatotoo(florante ang original na kumanta nito)

pero pangit naman kasi ng poetry kung papalitan natin ng "wag na lang sana" hehehe

yAnaH said...

kaya kailangang balance ang mundo.. may good and bad..pero dapat mas nanaig ang good..ewan ko kung ano sinasabi ko dito hahaha

The Gasoline Dude™ said...

Ganyan ka pala kapag masaya. Naglalagay ng dalawang lapis (teka lapis nga ba 'yan?) sa butas ng ilong. *LOLz*

Hindi ko alam 'yang kantang 'yan. Paki-kanta nga. Hehe. = P

Anonymous said...

hello!

wow naman! well, pipiliin ko yung kayumangging kulay... maganda kasi tignan yun e..hehehe

*parang dko pa narinig yan na kanta..hehehe..

my gulch said...

kung magkatotoo yang "sana" song well, napaka-boring na siguro ng mundo natin. lahat colorblind, lahat peaceful people. i think i like the world as it is...both the ugly and the good sides.

cyndirellaz said...

oo nga sana masaya na lang palagi.. pero sa tingin ko di mo naman maaappreciate ang kasayahan kung lagi kang masaya.. God!! bat kailangan bang ganito ka komplikado ang lahat!!??

escape said...

sana maligaya na lahat. hehehe... lapit na kaya mangyari yon?

astig ng picture ah! hehehe...

RJ said...

SANA mangyari ang lahat ng mga SANA sa kanta, nang hindi tayo manghula Bert Loi. o",) Kapag mangyari na itong lahat, may panibago ka na namang post.

Seriously, ayos itong kantang napagtuunan mo ng pansin ngayon. Very good ang analysis mo, I like it!

Kristophe Dumasis said...

impromptu competition

narinig ko rin ang kantang yun
sana nga no

Bryan Karl said...

Hahaha. Kung mangyayari yun lahat, boring ang mundo.

an-an said...

aww nice hehehe wait dco pa nabasa ung post mo :) loooools -lady

Anonymous said...

hahaha, hindi ko nakayanang basahin yung buong post kasi natutok na ako sa litrato at naaliw :D