Wednesday, February 11, 2009

hulog sa bitag!

kahapon ay bumalik kami sa pond para muling subukan ang aming kapalaran sa pamimingwit ng isda sa ikatlong pagkakataon. nagdala kami ng nylon, mas maliit na hook kesa dati at yung pain pa rin namin ay yung maliliit na shrimps. pagdating doon ay sinimulan na namin ang pagkabit ng hook sa nylon. at pagkabit ng nylon sa sanga. tatlo kami. kaya tatlo ang ginawa naming pamingwit para more chances of winning ikanga. hahaha. isipin nating may dalawamput limang isda lang ang lumalangoy sa pond na yun. at iisa lang ang aming pamingwit. so 1/25 = 0.04. so 4% lang ang probability na makahuli kami. ikumpara natin sa tatlong pamingwit. so 3/25 = 0.12. so 12% ang chance namin na may mauto kaming isda. hahaha. sasabihin ninyo 'bakit di nalang kayo gumawa ng dalawamput limang pamingwit para siguradong may mahuli kayo?' una. nakakatamad. dalawa. kukulangin na kami sa nylon, hook at pain. tatlo. baka abutan na kami ng gabi sa paghanap na mahabang sanga. apat. excited na kami sobra makapwesto at mamingwit. lima. hindi naman talaga 100% sigurado na makahuli kasi nga ang laki ng pond. hindi natin 100% alam kung saan talaga ang lokasyon ng mga isda. at hindi rin natin 100% alam kung titirahin nila yung mga pain baka kasi busog rin sila. haha. basta ang daming factors. kailangan ko pang mag-review. basic statistics lang ang gusto kong ipakita. more chances of winning ikanga. nagsalita ang unemployed statistician. hahaha.

okey heto na! nakahuli na rin kami sa wakas! ang unang klaseng isda na nahuli namin. hito ata ito. di namin masyado alam. mga tatlong pulgada lamang ang liit nito. ako ang unang nakahuli sa amin kasi ako ang unang nakapaghanda ng pamingwit. hahaha. pero sa buong hapon ay isa lang ang nahuli ko. nakatatlo o apat na mga kaibigan ko. hahaha. pero okey lang. masaya pa rin. ang ikalawang klaseng isda na nahuli ng isang kaibigan ko ay isang maliit na tilapia. ayun sapol sa hook. haha.  



masayang masaya kami kasi may nauto na kaming mga isda sa wakas. hahaha. nakakaaliw talaga ang pangingisda!

19 comments:

yAnaH said...

ahihihihihi
at least nakahuli na rin kayo sa wakas! nyahahahaha
ang lalaki... baka hindi maubos ng mga bisita yan kapag inihaw...
hahaha

PaJAY said...

may computations pa amf..lolz..

ayos na rin at may nahuli ngunit mas importante ang bonding na nangyari .siguradong puno ng tawa at asaran ang inyong pamimingwit..

nakakamiss yan..

bingwit lang Punky boy!..

cyndirellaz said...

anyway it doesnt matter kung gaano kaliit o kalaki ang nahuli mo basta meron kang nahuli tama di ba? im so proud of you punky!! haha!

Anonymous said...

Congratulations! sa wakas! he he!

Anonymous said...

May nauto din kayong isda ah!

Teka, hito ba yun? Bakit parang anemic ata??? Ahahaha!

piz!

RJ said...

Wow! Sa wakas! o",) Kahit mababa ang probability na makahuli kayo, at mababa ang chance na matuto kayo, nangyari pa rin! Congrats.

Ngayon baka may maririnig kang magsabi sa 'yong, "No, I will make you fishers of men!"

abe mulong caracas said...

LINTEK MAY STAT PA AND COMM ARTS GRAD AKO, BUTI NA LANG ALAM KO YUNG ABOUT PROBABILITY (SALAMAT GARY GRANADA)

regarding sa nahuli ninyong isda....mga wala kayong awa! hindi na kayo nalungkot sa kanilang kinabukasan...na maaari pas silang lumaki at magpasaya sa hapag kainan!

isusumbong ko kayo sa bantay batang isda!

Anonymous said...

hala ka..kagagmay paman ana...

dinamita na sunod gamita ui...

bwahahaha...




***vanvan

punky said...

@ ~yAnaH~: hahahaha sa wakas!

@ PaJAY: tumpak! ang ingay namin dun sobra hahaha!

@ cyndirellaz: tenkyu! maliit o malaki okey lang! pero sa susunod malalaki na target namin hehehe!

@ Padawan Regie: haha! tenkyu!

@ Dylan Dimaubusan: hito siguro? na parang hindi hito? di ko alam? hahaha!

@ RJ: hehe nasabi na rin yun ng isang kaibigan namin dati!

@ abe mulong caracas: naawa kaya kami kaya binalik namin yung unang tatlong isda na nahuli namin! hehe!

@ vanvan: haha bueng! wala manay lingaw! hehe!

2ngaw said...

ayun oh!!!nakahuli din!!!oist balik nyo yan, ang liliit pa nyan lolzz

pet said...

di ka talaga tumigil hanggang di ka nakakahuli ano? mabuti naman at nakahuli ka na...

punky said...

@ Lord CM: haha! binalik namin yung iba!

@ payatot: di talaga kami sumuko! nakahuli rin sa wakas! haha!

jhosel said...

ahaha. congratz!

sa wakas nga may nahuli na kayo! kea lang kawawa naman si fishy ang bata pa. hehe.

jhosel said...

congratz! finally may nahuli na kayo!

pero kawawa naman si fishy. baby pa.

ahehe.

Anonymous said...

Kawawa naman ang isda. Huwag mong sabihing niluto niyo yan?

punky said...

@ jhosel: tenkyu! hehe! bata pa nga. la kami magawa. sila lumapit sa hook eh. hehe!

@ Anino: binalik namin sa tubig yung iba!

Philer said...

hahahah :D ang saya dito sa blog mo...first time kung magcomment dito. pro parati kung binibisitahan itong blog mo. Congratz nakahuli ka rin sa wakas kahit maliit, tama nga sila kawawa nga ang cute pa naman ng mga nahuli nyo hehehe. Pro ok rin kac binalik nyo. hehehe kac pagniluto nyo yon wla kayong konsenya! hahaha. Good luck sa susunod nyong pamimingwit! Sana makahuli kayo ng mga Senior Citizen na Isda. HAHAHAHAH!

Anonymous said...

congrats. i love the computation; the probability thing... kudos!

punky said...

@ Philer: onga! sana makahuli rin kami ng malalaki!

@ Rej: haha!