Tuesday, February 3, 2009
namingwit ng lumot..
nung linggo ay pumunta kami ni hardwaremaster sa isang pond doon. dito sa lugar namin. iligan city. sa isang tagong lugar. basta banda doon. wag niyo ng itanong saan. basta sa may bandang doon. wahaha. nagdala ng fishing rod si hardwaremaster at ako ang nagdala ng pain. anong klaseng pain? yung natira kong pellets sa aking napayapang flowerhorn. yun ang dinala ko haha. may ilang nangisda ring mga tao doon. gamit nila yung mga mahahabang sanga ng kawayan. at ang mga pain nila ay yung mga maliliit na uod. may ilang nahuli din sila. maliliit rin na isda. hehe. dahil nga hitech yung fishing rod na gamit namin. hindi kami marunong mag-setup. hahaha. first time din nagamit ni hardwaremaster yon. kaya walang kwenta. yung nylon na lang ginamit namin at hinagis sa pond. wala ring kwenta. kasi yung pellet di masyado kumakapit sa hook. pag hinagis mo sa pond ay natatapon yung pellet. hahaha. kaya tuloy na lang kami ulit sa aming bike trip. hehe. babalik kami doon at maliliit na shrimps na talaga dadalhin ko. at magtatanong rin ako ke pareng gogol at ke mareng wikihow kung paano gamitin ang isang fishing rod.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
9 comments:
Noong mga 7years old ako hanggang mga 15 years old hilig ko talaga ang mamingwit. May backyard fishpond ang lola ko dati, at malapit lang kami sa sapa kaya enjoy talaga kami noon.
Pero ngayon, parang nabo-bore na ako sa fishing... Dito nga sa Australia fishing ang isa sa, kung hindi man pinaka-favorite gawin ng mga Australians kapag weekend. More than 2years na ako rito sa Au pero hindi ko pa talaga nasubukan.
Good luck sa inyong pangingisda sa susunod. Aralin nyo talaga, Bert Loi.
hahaha.... ayos na rin at least nakapag nature tripping kayo.
pag balik nyo don, siguraduhin nyo na ok na para di na kayo mahirapan pa..nakidaan ulit...
nyahaha akala nyo nadadaan yan sa high tech na gamit ha!
bulate lang pala katapatng makabago niyo fishing rod eh!
my grandpa is a fishing enthusiast himself. Yet he never let me anywhere near his fishing rod. tsk tsk
ayan sana ang fave past time ko... fishing.
kaya lang dito mahirap kasi wala pa akong license for fishing, at wala ring time na gawin yan. lol!
di ako marunong mamingwit.
pero yung kapitbahay ko sa sampalok,
mahusay na mahusay.
tuwing byernes ng gabi sya namimingwit.
marami raw kasing sinampay sa araw na yun.
ewan ko lang kung may isda syang nahuhuli.
basta ang alam ko, tuwing linggo,
bago lagi ang damit nya.
GOd bless at salamat sa pag-add sa Buladasphere!
iligan!
pain mo shrimp? edi luto mo na lang ung shrimp para di na kelangan mag fishing, di ka na maiinip kakahintay ng fish...may shrimp ka n eh lolzz
Post a Comment