ito na yata ang pinakamalayo naming narating sa aming bike trip. tipanoy golf course. naging hike trip din ito kasi naglakad-lakad pa kami sa golf course. sana makabili ako ng lupa na kasinlaki dito. someday.
Wednesday, December 31, 2008
Saturday, December 27, 2008
green apple vs. pear
Thursday, December 25, 2008
economic crisis!
Monday, December 22, 2008
love kowt.
kapag may magtatanong:
"Ba't mo minamahal yung taong ayaw sayo, madami namang iba diyan..."
sagutin mo:
"Kapag nauhaw ka, iinumin mo ba ang dagat dahil tubig din naman ito?"
YES! MALUPIT YUNG POINT! HAHAHAH! =D
INCONVIENCE.. new word!
Saturday, December 20, 2008
disturbia (twilight OST)
forwarded text message:
alam niyo ba na ang theme song ng twilight ay disturbia ni rihanna?
bambampira bambam pirara
bambampira bambampira
hahahah! mapapakanta talaga kayo!
R.I.P. FH
ito ang masigla at napakaganda kong alagang isdang flowerhorn (FH). maliit pa to nung nabili ko nung enero. pagkagising ko kaninang umaga ay nakalutaw na sa itaas ng madumi naming aquarium si FH. huhuhu. siguro yun nga ang dahilan ng pagkamatay niya. madumi na sobra yung tubig. tinamad kasi ako maglinis lately. huhuhu. rest in peace my fh..
Friday, December 19, 2008
imazine ion sports watch!
'just like the other sports watch but better. why? because it is from Imazine.'
- 1 ATM water resistance
- Design elasticity to fit any wrist
- HQ silicone rubber is no harm to skin
- Good design award: 2005 Korean Institute of Design Promotion
pangatlong bili ko online. bagong binebenta ng kaibigan ko. pinakita ko sa mom ko. ayun nagpabili sa akin. christmas gift ko daw sa kanya. hahaha. maganda ang watch. malaki yung mga numbers kaya madaling basahin. waterproof pa at napakagaan! 10 grams lang! malambot pero matibay. may ganito din pala ang mga sikat na hollywood celebrities gaya nina lindsay lohan, kirsten dunst, ashlee simpson, fergie at david beckham. bibili din siguro ako para sa sarili ko!
Thursday, December 18, 2008
Wednesday, December 17, 2008
15 rounds!
disyembre 17, 2008. alas sais y medya ng umaga. iligan city hall, buhanginan hill. history was made. 15 rounds ng pagbibisikleta paakyat-pababa kasama si shimanoy at si hardwaremaster. ang larawang nasa taas ay ang daan patungo sa city hall. marami ding nag-eehersisyo dito tuwing umaga. ang city hall ay 130 feet above sea level facing the downtown area.
Tuesday, December 16, 2008
pugaan bike trip!
barangay pugaan, iligan city. 1602 hours. ako at ang mga bike buddies ko ay panandaliang nagpa-footspa sa malinis at malamig na mababaw lamang na ilog ng pugaan. ang mga dumi sa gulong ng aming mga bisikleta ay parang nalinis din. salamat sa agos ng ilog. hehe. maganda ang tanawin doon. napapaligiran ng mga mabeberdeng bukid. mainit pero sulit ang trip. babalik kami dyan pugaan!
Monday, December 15, 2008
bonsai christmas tree!
may bago kaming krismas tri. bonsai krismas tri hahaha. gawa ulit ng mommy ko. yari sa newspaper na ginunting na paparisukat tapos pinagpatong-patong. tapos nilagyan ng glitters. ayos noh? ang ideyang ito ay nakuha ng mommy ko sa show ni martha stewart sa lifestyle channel. palagi kasi siyang nanonood nito tuwing tanghali. para sa kumpletong detalye sa paggawa nito.. hanapin sa www.marthastewart.com/
Friday, December 12, 2008
free mp3 download!
Wednesday, December 10, 2008
full house (korean) download!
Friday, December 5, 2008
ang bisikleta kong si shimanoy!
- isang mumurahing bisikleta lang sa unang tingin. mura lang naman talaga pagbili ko nito nung una. pero kung titignan nang maigi ay iba na yung mga parte ng aking bisikleta. kasi pinalitan ko ng hindi-made-in-china-parts. hahaha. ang pedal na lang at front derailleur ang made-in-china dito. kung magkakapera ako balang araw ay papalitan ko din sila. ito na ngayon ang specs ng aking bike: red steel frame, ZOOM stem, black alloy handlebar with crossbar, GT handle grip, SHIMANO 7-speed rapidfire shifter with brake levers, MIRANDA alloy seat post (pinahiram ng kaibigan ko haha), GTS VK207 brakes, alloy water cage, SHIMANO crankset, SHIMANO TOURNEY rear derailleur, SHIMANO 7-speed sprocket, SHIMANO DEORE quick release tire hubs, stainless steel spokes, double-wall rims at ang napaka-komportable kong saddle. ipinakikilala ko sa inyo si SHIMANOY! bmx / mini mountain bike. hahaha.
Wednesday, December 3, 2008
si kumpareng trace bundy!
hinahandog ko sa inyo si trace bundy. isa sa mga iniidolo ko sa pagdating sa paggigitara. una ko siyang napanood na tinutugtog ang kanyang acoustic version ng sikat na canon ni pareng pachelbel. walang kasintulad. may acoustic version din siya ng kanta ng mga sunogbagang backstreet boys na i want it that way. hayop din yun. at ngayon naman ay ang kanta ni pareng eminem na lose yourself na ginawang soundtrack sa pelikula niyang 8 mile. astig talaga si trace!
Monday, December 1, 2008
merry christmas tree!
Friday, November 28, 2008
kilalanin si preview man!
habang naghahanap ng mga standup comedy videos sa youtube. may nadiskobre akong napakatalentadong lalake. si pablo francisco. sikat na sikat pala siya sa panggagaya ng boses sa mga hollywood movie trailers. ipinakikilala ko sa inyo si mr. preview guy! manood at ika'y maaaliw talaga!
Monday, November 24, 2008
ang lupet mo edgar!
edgar cruz. ginitara ang sikat na kanta ng queen na bohemian rhapsody. mamamangha kayo talaga. gayang-gaya. panoorin niyo rin yung hotel california ng eagles. ginitara rin niya. okei din yun. itong dalawa ang paborito ko sa mga arrangements niya. indyoy!
whose line is it anyway?!
whose line is it anyway? da best comedy tv show ever! wala ng tatalo dito! manood at mag-enjoy!
Saturday, November 8, 2008
money clip wallet!
money clip wallet. ito ang pangalawang nabili ko online. may apat na pockets siya para sa mga cards niyo gaya ng ID, credit card, ATM card o lisensya. pero pwede ring ikasya ang limang cards kung gugustuhin ninyo. astig diba? may pocket din para sa inyong pera sa gitna. o pwede rin ninyong i-clip gaya ng nasa larawan. kaya order na din kayo sa kaibigan ko! www.urbanewallet.multiply.com
Monday, November 3, 2008
best robot dance!
paano kaya gawin to? mukhang simple lang naman kasi di naman mabilis. pero nakakatamad nga lang. wala talaga akong talento pagdating sa pagsayaw. haha. sino kaya to? mukhang pinoy ba? hehe. kung napanood ninyo yung movie na you got served ay nandun rin siya.
Wednesday, October 22, 2008
pinoy text jokes!
ROD: Bakt bad trip k?
HARRY: Nagtampo sakin ang utol ko.
ROD: Bakt naman?
HARRY: Nakalimutan ko kc ang bday nia.
ROD: Yung lang? anong masama run?
HARRY: Ang masama run.. twins kami! twins!
. . . . . . . . . .
Usapan ng dalawang mayabang..
TOMAS: Ang galing ng aso ko! tuwing umaga, dala nia ang dyaryo sakin.
DIEGO: alam ko.
TOMAS: ha? paano mo nalaman?
DIEGO: ikinukwento sa akin ng aso ko.
. . . . . . . . . .
Anong dapat mong sabihin kung biglang tumulo ang laway mo habang natutulog sa jeep?
"ano ba yan! ang init naman sa jeep! pati bunganga ko pinapawisan!" hahaha.
. . . . . . . . . .
kapag may magtatanong:
"ba't mo minamahal yung taong ayaw sau, madami namang iba dyan.."
sagutin mo:
"kapag nauhaw ka, iinumin mo ba ang dagat dahil tubig din naman ito?"
yes! malupit ung point! haha.
. . . . . . . . . .
"handa akong ibigay ang init ng katawan na ninanais mo at sisiguraduhin ko na hindi ka makakatulog.."
-kape. nkpka.landeeeeng kape! haha!
Thursday, October 16, 2008
batang-bata ka pa!
batang-bata pa. pero ang galing-galing na ni sungha jung mag-gitara. marami-rami din siyang ginitara na mga sikat na kanta. halos mga kanta ng beatles. swak talaga sa tenga. may mga sarili din siyang komposisyon. kaya bigatin talaga tong bata na to. panoorin lahat ng videos niya sa youtube at ika'y maaaliw talaga. all you need is love!
limewire vs. frostwire!
naghanap ako ng alternatibo sa limewire. at ang pinakamagandang alternatibo daw ay ang frostwire. ayon sa mga reviews na nabasa ko. mas mabilis daw. tinesting ko. totoo nga! kumakain daw ng memory lesser than limewire. napansin ko rin! pero mas marami daw search results sa limewire. pero wala na! di na ako gagamit ng limewire. hahaha. walang pinagkaiba masyado sa interface ng dalawa. at ang frostwire ay completely free! subukan niyo rin! download na sa www.frostwire.com.
Sunday, October 12, 2008
unang bili ko online!
bigla akong nagkahilig sa libro ng pinahiram ako ng kaibigan ko ng libro ni Bob Ong 'Alamat Ng Gubat.' pagbukas ko pa lang. sa bandang kaliwa. nakasulat 'This book belongs to __________ (bawal manghiram...bumili ka ng sarili mong kopya!)'. hahaha. ayos di ba? tinapos ko lang ng ilang minuto. naaliw ako sobra kaya gusto ko magkaroon ng iba pang libro ni Bob Ong. walang matinong bookstore dito sa lugar namin. buti na lang may online store ang Power Books tsaka National Bookstore. sa Power Books ako nakabili kasi meron sila nung mga libro na hinahanap ko. mabilis lang ang transaction. pwede nang hindi mag-register. pagkatapos maaprub ang aking order ay natanggap ko na ang mga libro sa loob lamang ng dalawang araw. super sulit yung shipping fee! sa wakas kumpleto na mga libro ko ni Bob Ong:
- ABNKKBSNPLKo!
- Bakit Baligtad Magbasa ng Libro Ang Mga Pilipino?
- Ang Paboritong Libro ni Hudas
- Alamat ng Gubat
- Stainless Longganisa
- MacArthur
nakasulat sa tagalog ang mga libro kaya madaling intindihin. ayoko ng mga libro na nakasulat sa ingles kasi hindi ko naman masyadong kabisado ang linggwaheng ito. hahaha. inaabangan ko na ang susunod niyang libro. kung meron man siyang sinusulat. hahaha.
Friday, October 3, 2008
ay bilib!
kung sino ka man. kaw ang pinakamagaling na nagitara ng soundtrack ng napakasikat na korean mubing my sassy girl na nakita ko sa youtube. nakakaantok nga lang. hehe. pero ayos pa rin. penge naman tabs jan pre!
Thursday, October 2, 2008
guitar ebooks!
- download The Frank Zappa Guitar Book
- download Joe Satriani - Guitar Secrets
- download How To Write Songs On Guitar
- download Essential Blues Guitar
- download Peter Fischer - Rock Guitar Secrets
- download Play Acoustic With Eric Clapton
- download Chords And Scales For Guitar
- download Acoustic Blues Guitar Style
- download Blues Guitar For Dummies
- download Gear Secrets Of the Guitar Legends