Monday, December 1, 2008

merry christmas tree!

sira at bulok na yung luma naming krismas tri. kaya naisipan ng mommy ko na gumawa na lang kesa bumili ng bago. magastos na kasi daw pag bibili pa ng bago. krisis pa naman ngayon. oo nga naman. yari sa crochet thread ang krismas tri namin. mga ilang balls ng crochet thread din ang naubos ng mommy ko dito. at ilang buwan din niyang ginawa ito. kasimbigat siguro ito ng tatlong makakapal na tuwalya. yung mga butingting na nilagay namin ay luma na. ilang pasko na ang dinaanan nito. kung tatanungin ninyo kung paano ito naging 3D eh hindi ko na ikekwento dito. nakakatamad na mag-type. hahaha. 

No comments: