bumalik kami ni hardwaremaster dun sa pond nung linggo kasama ang isa pa naming kaibigan na absent nung una. siya ang nakapagbigay liwanag sa amin kung paano gamitin yung fishing rod. wala rin siyang karanasan sa paggamit ng ganung klaseng bagay pero siya yung nakabigay ng tamang paraan kung paano gamitin ang bagay na yun. chamba? siguro? pero sa tingin ko common sense lang talaga kailangan dun. haha. wala. mga utak manok lang kami ni hardwaremaster nung una hahaha. ayun okei na ang setup. yung dinala kong mga pain ay maliliit na shrimps na talaga. haha putek na talaga kung wala pa kaming mahuli dito. may mga bata at ilang manong ang nanood habang hinahanda namin yun. nakakahiya kasi parang tingin nila sa amin ay mga eksperto na sa larangan ng pangingisda at pamimingwit hahaha. manghang-mangha sila sa aming gamit na pamingwit. haha.
ilang minuto pa lang ang nakalipas ay nagrereklamo na kami sa tagal ng mga isdang lumapit sa aming bitag. panay pa sabi ko ng 'patience talaga kelangan pag namimingwit.' hahaha ang nagsalita. palagi akong lumilipat ng puwesto. mister patience nga naman talaga. hahaha. ayun. hanggang umabot na kami sa puwesto katabi ng mamang namimingwit rin. grabe ang dami na niyang nahuli! maliliit at may katamtaman din ang laki ng mga isdang nakuha niya. sabi niya may mga malalaki daw dun sa bandang malalim. mga tilapia, hito at iba pang isda. binebenta daw niya ang kanyang mga nahuhuli at ang iba ay ginagawang ulam. ayun. napansin rin niya na malaki yung hook na gamit namin at mga maliliit lang na isda ang nasa bandang mababaw. natawa si manong. haha. ngayon lang din namin napansin. haha mga utak manok talaga. hahaha. kaya isang dahilan rin yun kung bakit di kami nakakahuli. di pa rin kami nawalan ng pag-asa. ilang minuto ay may mga lumalapit na na mga tatlong pulgadang laki na mga isda. kaso. tinitirahan lang nila yung pain sa gilid. halatang enjoy na enjoy sila. busog na busog sa free meals. hindi talaga naming makuha sila na makabit sa hook. sayang. ibibigay din sana namin kung may mahuli kami kay manong. pero di pa rin kami nawawalan ng pag-asa. babalik pa rin kami sa susunod. mister patience nga talaga naman hahaha.
23 comments:
hehehe :D sayang ang shrimp, kung inulam ko na lang sana...di ko na sana kelangan ng patience at nabusog pa ako lolzzz
good luck brod sa susunod :D
manghang mangha sila di nila alam na wala rin kayong alam pa doon sa pag aayos ng kawil
@ Lord CM: di naman sayang yung shrimp.. kasi nakatulong kami sa pagpapalaki ng mga isda.. na hinuhuli din ng mga tao dun.. na ginagawa rin nilang ulam.. hehehe!
@ payatot: ayun! kawil pa talaga tawag nun sa tagalog? hahaha salamat parekoy! pataba ka konti hehehe!
ang galing niyo naman! pangarap ko din ang mangisda pero maikli lang pasensya ko sa mga ganyan eh
hayz! sana maihuli mo ko minsan ^^
hahahaha...
Dude!..patawad...sabi ko na nga ba naKALIGTAAN KITA...may iniisip akong blogger na FLOWER HORN ang naalala ko..e di kita mahanap sa blogroll ko kaya di ko na marecall..lolz...xenxa dude..
sa Cocktail drawing Dude di ka mawawala..isasama ko ang bagong isda mo...Koi ba o flowerhorn pa rin?..lolz..
haha. malamang tuwang tuwa yung mga isda dun.
hmm. patience nga talaga kelangan. good luck next time!
Gusto ko din mangisda! Pero mas masarap siguro 'yung tipong nasa bangka ka habang nasa gitna ng dagat. *LOLz*
wahaha.. oo nga naman may next time pa...
one more chance...
haha.. gudluck!!!
Hindi pa rin nakahuli?!?! Whew! Natututo na kayo, anyway.
Gusto ko ang idiom na ginamit mo rito, 'utak manok'. Wow! o",)
SIGE LANG TRY AND TRY HANGGANG MAY MAHULI!
kung sakaling sa susunod eh ayaw pa rin, wag patience lang ang sabihin nyo sa isat isa.
una, alamin kung sino ang may balat sa pwet at pangalawa, kausapin nyo na yung isda na wag na kayong ipahiya! hahaha
@ cyndirellaz: haha magaling nga kami magpakain sa mga isda!
@ PaJAY: haha ok lng! wala na akong isda. nakakatamad na mag-alaga hehe.
@ jhosel: onga! haha enjoy talaga sila!
@ The Gasoline Dude: pwede rin! pero praktis muna kami sa pond hehe!
@ dhyoy: salamat!
@ RJ: hindi pa rin! kawawa talaga kami! hehe..
@ abe mulong caracas: sa susunod sure ako meron na kaming mahuhuli talaga!
Hello, akala ko bago pa ko dito sa blog mo, naalala ko nakita ko na 'tong may profile pic na nagtututblas! ehehe, piz!
Masaya yan, ang sarap ng feeling kpag nakahuli ka na.. Sana sa susunod meron na nyan, earthworm kasi gamitin nyong bait.. Pero di ko kayang hawakan yun, ewwwwwwww!!!
I experienced fishing when I was in grade school, sobrang saya..Isa pa ang daming fishda sa pond nila lolo kaya di mahirap makahuli.. Paliitin nyo na lang yung fish pond na pinaghuhulihan nyo..lolz
"tinitirahan lang nila yung pain sa gilid. halatang enjoy na enjoy sila.">>>> hehehe... wais ang mga isdang yan.
sa susunod makakahuli na kayo. Aja!
salamat nga pala sa pag drop by sa blog ko. ikaw ang unang Pinoy ng nagcomment. :)
huwaw parng ang saya mag fishing sa philippines hehe
@ Dylan Dimaubusan: ang hirap maghanap ng worm eh! hehehe!
@ the donG: hehe wais talaga! maiisahan din namin sila balang araw!
@ Rej: ikaw rin ang unang nagcomment na nakatago ang isang mata hahaha!
@ krishA: sinabi mo pa!
punky,
natawa ako sayo..
ako yung host ng show
hehe
@ juyjuy: aw as in? ikaw ba yun? wahahah! di kita namukhaan sa first two videos kasi nga naka shades ka dun haha! pero yung sa third video ikaw na talaga yun! hahaha!
na-add na kita sa blog ko. hehe.
kaw ba yang nasa pic? ganda ng view. :)
nakaktuwa naman yang activity na yan, ive never tried it. (loser! haha)
i likey!
hmmm---mahirap nang makahanap ngyn ng lugar na ganyan na pwede kang mamingwit-must be really fun~~~~
bro salamat sa pagbisita
yan ang gusto kong gawin ang mangisda!!
@ Pao Pielago: yep ako yun! maganda talaga dun! nakakarelax!
@ Chyng: subukan mo! masaya!
@ PUSANG-gala: yep! mahirap din hanapin ang lugar na ito!
@ JM: noh pwoblemoh!
Post a Comment