Saturday, January 17, 2009

edited..

sinong hindi nakakakilala kay adobe photoshop? ito na yata ang pinakasikat na graphics editing program na kadalasang ginagamit ng mga propesyonal sa paggawa ng advertisements o commercials sa telebisyon, paggawa ng komiks at animation, pag-edit sa mga litrato sa mga photo studios, pati na rin ng mga malalaking film studios sa amerika sa paggawa ng mga pelikula, at pati na rin ng mga taong mahihilig mag-edit ng mga litrato para gawing katawa-tawa o kasuka-suka. hehehe. at kung anu-ano pang pwedeng gawin sa mga larawan. hehe. ang adobe photoshop rin ay tinaguriang "an industry standard for graphic professionals". nakakabilib di ba! 

nasubukan ko na dati ang paggamit ng adobe photoshop. hanggang ngayon. beginner level pa rin. pero gusto kong maging bihasa dito. nakakaaliw naman kasi ang pag-edit ng mga larawan. ito ang mga ilang gawa ko..



medyo matagal ang pag-edit ko dito dahil sa buhok. hehe. ang laki ng katawan ko noh? hindi akin yan. kay jerry yan a.k.a dao ming si yan ng meteor garden. eksena yan kung saan sinabihan nya si shan cai ng 'bibili muna ako ng makakain ha'. yan ang tagalog version ng chinese na nasa baba. hehe.

matagal-tagal ko na ring nagawa to. ito ata ang pinakauna kong nagawa sa adobe photoshop. kung napanood niyo at maaalala niyo yung commercial ng rexona ay ito yun. mukha ko lang ang inilagay ko. hehe. 

ito ang pinakabago kong nagawa sa adobe photoshop. hideously ugly version of me. haha. 

wag kayong mamangha sa mga gawa ko. napakasimpleh lang gawin yan lahat. kahit kayo kaya ninyo. subukan niyo. hindi na ata ako aangat sa pagiging beginner haha. ngayon. hindi na adobe photoshop ang ginagamit ko. medyo malaki kasi kinakain na memory, hard disk space at hindi pa free. pero walang problema kung free ba yun o hindi kasi makakadownload naman tayo ng mga pirated version sa world wide web diba? hahaha. GIMPshop na ginagamit ko. isa sa mga best alternatives ng adobe photoshop. 

enjoy sa pag-edit! =D

10 comments:

yAnaH said...

Kilala ko naman si Mr.Adobe kaso alng i dont wanna get to knwo him better.. wala akong tiyaga sa mga ganyan. ultimo pagpapalit ng template sa blog ko inaasa ko pa sa iba. ultimate blogger and chatter lang ako.. tama na yun... kapag may kailangan akong i-edit, anjan naman ang mga friendly friends in the friendly blog neighborhood.. ok na yun... nadagdagan pa ng isa... IKAW! AHIHIHIHIHI

cyndirellaz said...

i also wanna learn how to edit, anyway, astig yung mga inedit mo ah! ^^

lucas said...

hahaha! bagay akng si dao ming se! hahaha!

alam ko yung adobe...ang hirap nga lang i-master. damig buttons...hehe!

Anonymous said...

hilig ko din mag-edit sa adobe pero hindi ko pa nasusubukan ung magedit ng mukha ko sa katawan ng iba... masubukan nga... :D

maganda magphotoshop, kaso matrabaho at madaling kumain sa oras... :) pero ayos yung mga gawa mo, panalo! :Dc

an-an said...

HAHAHAHA ADDICT ACO DYAN!

RJ said...

Gusto ko rin sana, pero parang hindi ko maisingit sa mga ginagawa ko. Sana, balang araw.

For the meantime, tiyaga nalang muna ako sa mga real photos, yung hindi edited. Whew! Hirap talaga 'tong mahina sa computer.

Good Bert Loi dahil nakakagawa ka n'yan. o",)

Ishna Probinsyana said...

May ilang taon o na ding 'kilala' si Adobe photoshop. pero hanggang ngayon eh hindi pa din ako magaling sa pag edit ng pictures. Pero at least i know how.. kahit hindi super galing, okay na din kahit papano. HAHAHAH.

good luck in learning. sana maging kasong galing din tayo ng mga graphic artists. LOL

Anonymous said...

kahit balialiktarin mo pa utak ko, hindi ko kayang mag edit ng litrato gamit ang photoshop! tae talaga!

Anonymous said...

Oo, kilala ko rin sya matagal na pero ngayon ngayon lang kami nagkadaupang palad ulit..

Masayang mag-edit dahil sa kanya. Hahaha! Gawin bang 3rd person ang program sa computer?!

Hindi halatang nag-ttoothbrush ka ah, para lang lollipop, lolz. piz!
nice edited photos btw..

cheers!

atto aryo said...

galing ah. ako type ko sana mag-aral pero di ako nakabili ng pirated software nung andyan ako he he